Free Online Horoscopes: Accurate nga Ba?

Madalas na tayong nakakakita ng mga daily o monthly horoscopes online. Kaya marami ding ginagawang basehan ang mga ito sa kanilang mga desisyon. Pero kung isa ka sa kanila, mag-ingat, dahil maaaring humantong sa pagsisisi ang mga desisyong ginawa mo base lang sa isang free generalized horoscope.

Bakit ko nasabing hindi sila accurate?

Kahit tingnan pa ang kasalukuyang posisyon ng mga planeta at ang zodiac na kasama nila, inaccurate pa rin ang forecast.

Halimbawa, kung titingnan mo ang image sa ibaba, makikita mo na nasa Sagittarius ang Mercury sa 14°20'. Maaaring sabihin na auspicious time ito para sa mga Sagittarians pagdating sa pag-aaral, dahil nagbibigay ang Mercury ng inspirasyon sa talas ng pag-iisip at pagkatuto. Dahil komunikasyon din ang saklaw ng planetang ito, asahan din ang pagiging komportable sa pag-share ng ideas.

free tagalog horoscope online

Pero hindi ito laging applicable, lalo na kung sa natal chart mo — na nakabase sa date, time, at location of birth — ay hindi harmonious ang placement ng Mercury sa Sagittarius. Halimbawa, kung naka-square ito, maaaring magdulot ng tension sa communication. Sa kabilang banda, magiging applicable ito kung naka-trine ang Mercury sa iyong natal chart. May iba’t ibang planetary aspects tulad ng square, trine, conjunction, at iba pa na kailangang i-consider. Kaya hindi pwedeng lahat ay makarelate sa isang generalized horoscope. Kung gusto mo ng mas accurate forecast para mas makontrol mo ang direksyon ng buhay mo, subukan mong pag-aralan ang pag-analyze ng iyong solar return chart.

Hindi Sapat na Basehan ang Zodiac Sign sa Personality

I am a Pisces, meaning Pisces ang Sun sign ko (na karaniwang tinatawag na zodiac sign). Ang Sun sign ay nagre-represent ng basic personality ko bilang sensitive, intuitive, at deeply emotional. Pero hindi ito sapat para kumatawan sa kabuuan ng pagkatao ko dahil kailangan pa ding i-consider ang Rising Sign at Moon Sign.

Rising Sign (Ascendant)

Ang Rising Sign (Ascendant) ko ay Cancer — ito ang zodiac sign na nasa 1st house o eastern horizon ng aking chart at the exact time and location of my birth. Bagamat loner at isolated ang mga Pisces, nagagawa kong makihalubilo at mag-tune in sa emotions ng iba dahil sa Rising Sign ko na Cancer. Totoo ito dahil karamihan sa mga kakilala ko ay nakikita ako bilang someone na marunong makinig, sumuporta, at makipag-connect on a deeper level.

Moon Sign

Samantala, ang Moon Sign ko ay Pisces din—ibig sabihin, ang Moon ko ay nasa Pisces sa natal chart. Dahil dito, mas heightened ang pagiging emotionally sensitive at intuitive ko. Naaangkop ito sa akin dahil hindi ako komportable sa insulting jokes at madalas akong nasasaktan dahil mahilig akong magbigay ng benefit of the doubt. Pero dahil aware na ako sa ganitong tendencies, natutunan ko nang basahin ang natal chart ko at nakakagawa na ako ng mga kinakailangang pagbabago para maiwasan ang ganitong mga problema.

Naa-apply ko rin ito sa mga taong nagpapabasa sa akin sa Tarot para sa mas accurate na psychic readings, lalo na sa pagbibigay ng timeframe kung kailan pwedeng mangyari ang isang forecast. Nakikita kasi ang mga ito sa solar return chart na dapat naka-align din sa natal chart.