Gusto mo bang makahanap ng bagong mamahalin o makakasama sa buhay, buhaying muli ang init ng inyong relasyon, o pabalikin ang iyong ex? Matutulungan kita. Mahigit isang dekada na rin akong gumagawa ng gayuma sa pag-ibig kaya makakaasa kang maibibigay ko sa iyo ang pagmamahal at relasyon na hinahangad mo. Bago tayo magsimula, pakibasa muna ang Frequently Asked Questions (FAQs) sa ibaba bago punan ang form.
Frequently Asked Questions
Tanong: Gaano katagal bago umepekto ang isang gayuma?
Sagot: Depende ito sa case mo. May mga gayuma na pwedeng mag-manifest sa loob ng isang buwan, lalo na kung bagong hiwalay lang kayo ng partner mo. Pero kung matagal na kayong hiwalay, pwedeng abutin ng isa hanggang tatlong buwan bago umepekto. Magbibigay ako ng timeframe bago simulan ang ritwal.
Tanong: Paano kung hindi pa kami magkakilala ng lalaki o babaeng gusto kong ipagayuma sa iyo?
Sagot: Para mag-work ang ritwal, dapat ay magkakakilala na kayo, at mas maganda nga kung magkaibigan na at pareho kayong single. Kung hindi pa, huwag mo na lang ituloy dahil magkakaroon lang yan ng hindi magandang epekto sa iyo kung ipipilit mo.
Tanong: Pwede ba sa same sex relationship ang gayuma?
Sagot: Oo naman. Hindi ko naman iyan tinatanggihan lalo pa kung pwede pang idaan sa ritwal.
Tanong: Wala bang masamang epekto ang gayuma?
Sagot: Basta malinis ang iyong intensyon, wala kang dapat na ikabahala. Pero kung ang motibo mo ay ang gantihan ang ex mo o paglaruan lang ang damdamin ng isang tao, hindi kita matutulungan. Umiiwas akong gumawa ng anumang ritwal na magkakaroon ng masamang balik sa akin.
Tanong: May kailangan ba akong gawin habang ginagawa mo ang ritwal?
Sagot: Hindi mo kailangan na gumawa ng ritwal dahil ako ang gagawa niyan para sa iyo. May guide lang akong ibibigay sa iyo para makaiwas kang makagawa ng anumang bagay na makakakontra sa aking mga gagawin.
Tanong: Paano kong nasa malayong lugar ako?
Sagot: Marami na akong kliyente na naninirahan sa ibang bansa kagaya ng U.S.A., Australia, Canada, at Japan na na-satisfy sa mga ipinagawa nilang ritwal dahil nagtiwala sila sa akin.
Tanong: Nawawala ba ang bisa ng ritwal kapag tumawid ng dagat ang gagawan nito?
Sagot: Ang ritwal na ginagawa ko ay walang limitasyon kagaya niyan. Ingatan mo lang na may makaalam ng gagawin ko kahit pa 'yan ay pinakamalapit mong kaibigan.
Tanong: Pangmatagalan ba ang epekto?
Sagot: Huwag mong iasa ang lahat sa ritwal dahil tinatanggal lang naman nito ang mga balakid para mabigyan ng katuparan ang hiling mo. Halimbawa, kung nais mong pabalikin ang iyong ex, tatanggalin lang nito ang galit na pumipigil sa kaniyang makipag-ayos sa iyo. O kung para naman mapaibig ang isang tao, pangingibabawin lang ng ritwal ang magagandang katangian mo upang mahulog ang loob niya sa iyo. Kapag nangyari na iyong gusto, mawawala rin 'yan kung gagawa ka ng problema na pwedeng maging dahilan ng inyong paghihiwalay.
Tanong: Magkano ang bayad para sa isang gayuma?
Sagot: Sa halagang 2,000 pesos, pwede ka nang mag-avail ng aking love spell casting services. Para magsimula, punan mo lang ang form sa ibaba. Kailangan ko muna kasing alamin kung kaya pa bang idaan sa ritwal ang iyong request. Kung hindi na, bibigyan naman kita ng ibang options like ritwal para makalaya ka na sa kaniya. Magbabayad ka lang kung tinanggap ko ang iyong request.
Tanong: Wala akong sapat na budget. Pwede bang turuan mo na lang ako para ako na ang gagawa?
Sagot: Ako ay initiated na bilang Babaylan kaya may sapat na akong proteksyon. Kung ang gagawa ay walang sapat na karanasan at pananggalang laban sa masasamang elemento, ikakapahamak niya ang paggamit ng mga ritwal na ibinigay lang sa kaniya o nakita lang niya sa Youtube.
I-click ang SEND button nang isang beses lang. Kung ang iyong submission ay successful, may makikita kang confirmation sa itaas ng form na ito.